MANILA, Philippines - Dahil karamihan ng mga mamamayan sa Pilipinas ay mayroon nang Facebook account, iginiit kahapon ni Senator Ralph Recto na dapat lumikha ang mga tagapagpatupad ng batas ng Facebook account na lalagyan ng larawan ng libo-libong wanted na kriminal.
Ayon kay Recto, tiyak na mas madaling mahuhuli ang mga wanted sa batas kung mas marami ang makakakita sa laraÂwan ng mga ito sa pamamagitan ng Facebook.
Sinabi ni Recto na libre rin ang paggamit ng Facebook at hindi kumplikadong gawin.
Kabilang aniya sa mga maaring gumawa ng Facebook accounts para ilagay ang larawan ng mga kriminal ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at maging ang Philippine Drug Enforcement Agency.
Maging ang Philippine Overseas Employment Administration,ay maari aniyang gumawa ng Facebook page kung saan maaring ilagay ang listahan, larawan at pinaka-huling address ng mga illegal recruiters na mayroong judicial warrants of arrest.
Sinabi pa ni Recto na bukod sa FB, maari ring gamitin ang Twitter at maging ang Instagram at Youtube.
Ang Pilipinas ang ikawalonng bansa sa buong mundo sa may pinakamaraming bilang ng gumagamit ng Facebook noong 2012.
“Dalawang taon na ang nakakaraan, meron nang 27,720,300 katao na gumagamit ng Facebook. Sa site lang na ito, meron ka nang malaking audience para tumanggap, magbahagi ng impormasyong nais mong ikalat,†sabi pa ni Recto.
Idinagdag ni Recto na nalalaman lang ng mga mamamayan ang hitsura ng sangkaterbang gapos gang, carjacking syndicates, at naglipanang martilyo gang kung sila’y nakabiktima at nahuli na.
“Parating after incident ang information. Kung kelan may nabiktima na ang isang sindikato na matatagal ng pinaghahanap, saka pa lang ipapakita ang kanilang mga litratro. Bakit hindi permanenteng i-paskil sa isang site ‘yan para anumang oras pwedeng silipin,†ani Recto.
Sa halip aniyang nakatago lamang sa mga presinto ng pulisya ang mga photo albums ng mga kriminal na wanted sa batas, mas makakabuÂting isiwalat ang mga ito sa publiko sa pamamagitan ng mga social networÂking sites.
Matatandaan na ilang kriminal na ang nahuli ng pulisya matapos sila mismo ang maglagay ng kanilang pinakahuling larawan sa kanilang Facebook at kung saan sila naroroon o matatagpuan.