Mag-ingat sa produktong pampa-sexy -FDA

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko sa mga  produktong pampa-sexy na galing sa ibang bansa dahil sa posibleng masamang side effects ng mga ito sa kalusugan.

Ito’y matapos na kumpiskahin ng FDA at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga  produktong pampa-sexy galing China tulad ng cream na pampalaki ng dibdib at puwet.

Nabatid na sinalakay ng FDA at NBI ang pitong drugstore sa Carriedo at Ronquillo St. sa Sta. Cruz, Maynila kamakailan na nagresulta sa pagkasamsam ng mga natu­rang imported na slimming at body enhancement products.

Iginigiit naman ng mga nagtitinda ng mga natu­rang produkto na lisensyado ang mga nakumpiskang produkto kung saan nila ito inangkat.

Iginiit ng FDA at NBI-Intellectual Property Rights Division, na hindi ito nangangahulugang pasado na rin sa Pilipinas ang mga gamot kung naaprubahan ito sa ibang bansa.

 

Show comments