Bagong deputy Ombudsman, itinalaga

MANILA, Philippines - May bago ng deputy Ombudsman for Mindanao sa katauhan ni Assistant Ombudsman Rodolfo Elman.

Si Elman ay 25 taong nagsilbi sa tanggapan ng  Ombudsman. Una siyang nagtrabaho bilang isang imbestigador hanggang sa maging Assistant Ombudsman at ngayon ay Deputy Ombudsman for Mindanao.

Si Elman ay nagtapos ng  Economics degree sa  Ateneo De Manila University at  Law degree sa  Ateneo De Davao University at nakapasa sa bar noong 1984.  Nakuha niya ang Master’s Degree in Development Administration mula sa Australian National University noong  2000 bago  nasungkit ang ranggong Career Executive Service Officer (CESO) Rank III noong 1999.

Nagtuturo din siya ng Public International Law, Administrative Law, Public Corporation Law, at Law of Public Officers  sa  Ateneo De Davao Law School.

Pinalitan ni Elman sa puwesto si Deputy Ombudsman Humphrey Monteroso na nagretiro noong  December 2013.

 

Show comments