^

Bansa

Documents fee sa pag-aplay ng trabaho ng mga new graduates pinatitigil ni Villar

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinulong ni Las Piñas Rep. Mark A. Villar ang House Bill No. 3196 o ang ‘Fresh Graduates Pre-Employment Assistance Act of 2013’ upang tuluyang mahinto na ang pagsingil sa mga fresh graduates na nag-aapply  ng trabaho sa kanilang mga dokumento.

Ang panukala ni Villar ay naglalayong tulungan ang mga bagong graduate sa pamamagitan ng pag-alis ng mga government fees sa mga dokumentong may kinalaman sa pag-aapply sa trabaho.

“Kahit man lang sa maliit na paraan na ito ay makatulong tayo sa ating mga fresh graduates na marami sa kanila ay mahihirap. Kung libre na ang pag-apply, mas marami silang mga trabahong maa-aplayan dahil hindi sila nag-aalala sa anumang bayad,” ani Villar.

Isasailalim sa panukala ang mga ahensya ng gobyerno kasama na ang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at ang Local Government Units (LGUs).

“Kailangan lamang isumite ng aplikante ang kopya ng kanyang diploma, certificate o sulat mula sa academic, vocational o technical na institusyon kung saan siya nagtapos para ma-avail ang waiver sa mga bayad sa dokumento,” dagdag ni Villar.

Sinumang mahuli na namemeke ng mga graduation documents ay mapapatawan ng parusa sa ilalim ng Article 172 (Falsification and Use of Falsified Documents) ng Revised Penal Code.

Ang mga maililibre lang na babayaran ay iyung konektado sa pagbibigay ng lisensya, identification, clearance, certificate at iba pang dokumento na kinakailangan sa trabaho. Ang aplikante ay kailangang graduate pa lang sa loob ng isang taon.

Hindi covered ng panukala ang mga bayad para sa pagkuha ng professional licensure examination mula sa Professional Regulation Commission o ang pagkakaloob ng Philippine passport ng Department of Foreign Affairs.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FALSIFICATION AND USE OF FALSIFIED DOCUMENTS

FRESH GRADUATES PRE-EMPLOYMENT ASSISTANCE ACT

GOVERNMENT-OWNED AND CONTROLLED CORPORATIONS

HOUSE BILL NO

LAS PI

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MARK A

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with