MANILA, Philippines – Hinimok ng Malacañang ngayong BIyernes ang mga mamamahayag na magbigay ng impormasyon tungkol sa mga kasamahan nilang nakatanggap ng pera mula sa mga ahensyang dawit sa pork barrel scam
"We would encourage you, if you know anything, to help government in fighting corruption and shed light on whatever you know," wika ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.
Dagdag niya na hindi lamang sa media ang kanyang pahayag ngunit pati na rin sa iba pang may impormasyon tungkol sa panunuhol gamit ang mga kinita sa pork scam.
Kaugnay na balita: 'Legal ang transaksyon’ - Tulfo
Lumabas ang balitang nakatanggap ng suhol ang ilang mamamahayag kabilang si Erwin Tulfo ng TV5 at Carmelo del Prado Magdurulang ng DZBB mula sa National Agribusiness Corp. (Nabcor).
Isa ang Nabcor sa mga umano’y implementing government agency na ginami ng mga nasa likod ng pork barrel scam na itinuturong pinangunahan ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.
Pinabulaanan na ni Tulfo ang mga paratang, habang naglabas ng pahayag ang GMA network na magsasagawa sila ng saring imbestigasyon.
Kaugnay na balita: GMA Network iimbestigahan ang radio anchor sa pork scam
Samantala, ayaw pang pakialamanan ng gobyerno ang isyu sa mga mamamahayag dahil nais muna nilang makumpirma ito.
"Rather than having that conversation in government, perhaps the conversation should take place within media itself," banggit ni Lacierda.
"Gives us more something definite than the kwentong kutchero for the [Department of Justice] to investigate," dagdag niya.
Tiniyak din ni Lacierda na gagawin nila ang lahat upang malabanan ang korapsyon.
"Insofar as involving public funds is concerned, I think our responsibility is to investigate, whether you're from media, whether you're from the government or whether you're from the private sector."