'Status quo' plea ni Cudia ibinasura ng SC
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Cadet 1st Class Jeff Aldrin Cudia na pigilan ang pagsipa sa kanya sa Philippine Military Academy (PMA).
Bukod dito ay inutusan ng ikatlong division ng mataas na hukuman na magpaliwanag ang Armed Forces of the Philippines at PMA sa petisyon ni Cudia.
Naghain ng urgent motion for status quo ante order si Cudia matapos masipa sa PMA dahil sa umano’y pagsisinungaling kung bakit na-late ng dalawang minuto sa kanyang klase.
Kaugnay na balita: Special body ng AFP tututok sa kaso ni Cudia
Magtatapos sana si Cudia ng salutatorian.
"It is respectfully prayed of the Honorable Court to ... include 1st Class Cadet Aldrin Jeff Cudia in the list of graduating class of Siklab Diwa 2014 if all the material requirements for his baccalaureate degree have been completed in time for 16 March 2014 commencement exercises," nakasaad sa petisyon ni Cudia.
Hiniling ni Cudia na burahin ang hatol na guilty sa kanya ng Philippine Navy at PMA Honor Committee.
Sinabi ni Cudia na ang pagsipa sa kanya ay "exercise of grave abuse of discretion."
Dahil dito ay bumuo ang PMA ng special body na tututok sa kaso ni Cudia.
- Latest