MANILA, Philippines - Hindi magsasagawa ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Teofisto Guingona III tungkol sa P10 bilyong pork barrel fund scam habang nakabakasyon ang Kongreso.
Sa Mayo 5 pa muling magbabalik ang sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaya posibleng sa nasabing buwan muli ipagpatuloy ang pagdinig.
Kaugnay sa mga kahilingan na itigil na ang hearing sa pork barrel funds at umpisahan na ang pagdinig tungkol sa Malampaya funds, sinabi ni Guingona na pag-aaralan nila ito habang naka-recess.
Inihayag din ni Guingona na muli nilang ipapatawag si Ruby Tuason kung magsasagawa sila ng imbestigasyon sa Malampaya funds bagaman at ang idinidiin niya sa nasabing pondo ay ang namayapa na niyang kapatid.
“Yes we will be calling her. But we have to review what she said because she said the one involved was her brother. Nevertheless, we will call her just to clarify things,†sabi ni Guingona.
Kailangan naman umanong mai-refer ang reÂsolusyon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na nananawagan na imbestigahan na rin ng komite ni Guingona ang ginagastos ng gobyerno sa itinturong utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.