GMA Network iimbestigahan ang radio anchor sa pork scam

MANILA, Philippines – Nangako ang GMA Network na iimbestigahan ang umano’y pagtanggap ng suhol ng isa nitong radio broadcaster mula sa National Agribusiness Corp. (Nabcor) kaugnay ng pork barrel scam.

Sinabi ni Mike Enriquez, consultant ng Radio Operations Group ng DZBB, na magsasagawa sila ng malalimang pagsisiyasat sa alegasyong tumanggap ng bayad mula sa Nabcor si Carmelo del Prado Magdurulang, isa sa mga brodkaster ng istasyon ng radyo.

"In accordance with standard procedure, we will conduct a thorough investigation of any allegations of violations. Due process will be observed and we will ensure that full sanctions will be applied if determined to be necessary," pahayag ni Enriquez kahapon.

Sa paglutang nina dating Nabcor officials Rhodora Mendoza at Vic Cacal, sinabi ng dalawa sa kanilang sinumpaang-salaysay na binayaran nila sina Magdurulang, Erwin Tulfo at isa pang kilalang radio at television personality ng P235,000 mula sa Department of Agriculture noong 2009.

Binayaran umano nila ang mga brodkaster upang hindi na tirahin ang mga proyekto ng Nabcor.

Sinabi pa ni Enriquez na siniseryoso ng network ang mga isyu hinggil sa pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa mga tiwaling gawain.

"GMA Network places the utmost importance on the professional and ethical conduct of all its personnel, particularly those engaged in news and public affairs," banggit ng news anchor din na si Enriquez.

"Due process will be observed and we will ensure that full sanctions will be applied if determined to be necessary."

Show comments