MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ni Iloilo Rep. Jerry Trenas ang mga ulat na kumukupas na ang karisma ni PaÂngulong Aquino para makapag-endorso ng kandidato sa halalan sa 2016.
Sinabi ni Trenas na, taliwas sa mga haka-haka, meron pa ring impluwensiya si Aquino sa mga Pilipino dahil sa hindi pa napapantayang tagumpay niya sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga kalamidad na sumalanta sa Pilipinas noong 2013.
Binanggit ni Trenas ang pagkilala ng World Bank (WB) sa magandang pangangasiwa ni Aquino sa ekonomiya dahil tinaya nito na mananatiling susulong ang ekonomiya sa kabila ng naganap na malakas na lindol sa Central Visayas noong Oktubre ng nakaraang taon, Zamboanga crisis at sa bagyong Yolanda noong Nobyembre.
Sa ilalim lamang din umano ng administrasyong Aquino nangyari na may nakulong na malaking isda sa katauhan ni Janet Lim Napoles na “utak†ng pork barrel scam.
Bukod dito, sabi pa ni Trenas, makikita at mararamdaman ng mamamayan ang kaibahan bago bumaba sa puwesto ang Pangulo sa 2016 dahil sa kasalukuyang mga proyektong imprastruktura tulad ng Skyway 3, expansion ng LRT system at rehabilitasyon ng pangunahing mga highways.