Kilabot na carjack lider timbog sa Caloocan

MANILA, Philippines - Nasakote na kagabi ang hinihinalang pinuno ng kilabot na carjack group na pinaniniwalaang nasa likod ng pagnakaw ng sasakyan ni Sen. Koko Pimentel noong 2012.

Nakilala ang suspek na si Jomel Salvatierra na nadakip sa bahay ng kanyang mga biyenan sa Isla Verde sa lungsod ng Caloocan bandang alas-7 ng gabi.

Timbog ai Salvatierra sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte sa Bulacan para sa kasong illegal possession, ayon sa ulat sa radyo.

Sinasabing sa Manila, Bulacan, at Pampanga nambibiktima ang grupo ni Salvatierra mula noong 2010.

Bahagi ng modus ng grupo ang pagnanakaw ng mga sasakyang nakaparada, habang ang iba ay pilit inaagaw sa driver.

Show comments