MANILA, Philippines - Matapos na mabasura ang apela na makasama sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class 2014, tuluyan nang nilisan ni ex-Cadet Jeff Aldrin Cudia ang nasabing military institusyon.
Ito ang kinumpirma kahapon ni PMA Spokesperson Major Agnes Lynette Flores na sinabing bandang alas-10:00 ng gabi kamakalawa ng lisanin na ni Cudia ang holding area nito kasama ang kaniyang mga magulang na sina Renato at Filipina gayundin ang kaniyang abogado.
Sinabi ni Flores na dumaan sa tamang proseso ang pagkakatanggal ni Cudia kung saan nabigyan din umano ito ng clearance na maaari nitong gamitin sa pagpasok sa ibang paaralan.
“Personal na decision nya yun, he is permitted to go and start a life as a private individual,†ani Flores na iginiit pang pinayuhan ng mga opisyal sa PMA si Cudia na gamitin ang natutunan sa loob ng akademya sa bago nitong karera.
Magugunita na pinili muna ni Cudia na manatili sa loob ng akademya habang hinihintay ang desisÂyon ng Pangulong Benigno Aquino III sa kaniyang apela na payagang makasama sa graduation rites kamakalawa.
Pero nabigo ang kampo ni Cudia dahil ibinasura ng Cadet Review and Appeals Board (CRAB) ang kaniyang apela at tuluyang pinatalsik ang kontroÂbersyal na kadete na nahaharap sa kasong paglabag sa Honor Code.
Si Cudia na dapat sana’y nagtapos na number 2 at top sa Navy Class sa PMA Siklab Diwa Class 2014 kung hindi ito nasangkot sa paglabag sa Honor Code ng akademya matapos umanong magsinungaling sa pagkahuli nito ng dalawang minuto sa kaniyang klase.