TRO ng SC sinuway... Contempt vs Meralco
MANILA, Philippines - Hiniling ng grupong Bayan Muna na mapatawan ng contempt ang Manila Electric Company (MERALCO) dahil sa umano’y pagsuway sa ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Supreme Court (SC) noong Disyembre na pumipigil sa big time power rate hike.
Sa inihaing Omnibus motion ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, nais nitong pagpaliwanagin ang MERALCO sa paniningil ng karagdagang P4.15 (apat na piso at kinse sentimos) sa kada kilowatt hour ng kuryente sa kabila ng TRO na ipinalabas ng SC.
Hiniling din ng grupo na atasan ng SC ang MERALCO na magsumite ng Compliance Report na magdedetalye kung gaano karaming consumer ang nakapagbayad ng dagdag-singil bago naipalabas ang TRO at kung magkano ang interes na kinita ng distribution utility mula sa naibayad ng mga konsumer bago naipalabas ang TRO.
Nais din ng Bayan Muna na ipaliwanag ng MERALCO sa kanilang compliance report kung paano sila tumugon sa TRO na ipinalabas ng hukuman.
Una ng ibinunyag ni dating Congressman Teddy Casino ang nakalilitong billing statement ng MERALCO noong Pebrero kung saan isinama sa ‘total amount due’ ang halagang hindi nito nasingil noong Disyembre kung kailan sana dapat ipatutupad ang big time power rate hike.
Hindi umano ipinaÂalam ng MERALCO na ang dapat lamang bayaran ng mga consumer ay ang “current amount due†at hindi ang “total amount due.â€
Para sa Bayan Muna, ang nakakalitong billing statement ay hindi lamang pagsuway sa TRO sa halip ay ‘panloloko’ sa kanilang mga customer.
Samantala, kumita umano ang Manila Electric Company (MERALCO) ng consolidated net income na 17.023 bilyon noong nakalipas na taong 2013.
Ito’y mas mataas ng limang porsiyento kumÂpara sa P16.265 bilyon na kinita nila noong taong 2012.
Sa anunsiyo ng Meralco sa website nito, ang kanilang revenue ay lumago ng P298.636 bilyon noong 2013, mula sa dating P285.270 bilÂyon noong 2012. Mula sa kabuuang revenue, ang distribution revenue ay umabot ng P56.105 bilyon, na mas mataas ng 10 porsyento mula sa P50.892 bilyon.
Tinapos ng Meralco ang taon ng may 5.37 milÂyong kostumer, kabilang ang 4.9 milyong residential customers at 450,000 commercial.
Mayroon itong 166,212 bagong residential customers at 12,310 bagong commercial customers para sa nasabing taon.
- Latest