DND kukuha ng 50 tons ng propellant powder
MANILA, Philippines - Nakatakdang kumuha ang Department of National Defense (DND) ng 50 metric tons ng propellant powder para magamit ng pamahalaan sa kanilang Arsenal sa Limay, Bataan.
Ang naturang materyales ay ang pupuno sa loob ng basyo ng bala o chamber ng baril o kanyon para maging bala. Ang budget para sa naturang programa ay P50 million at kukunin ito mula sa General Appropriations Act of 2014, ayon pa sa ahensya.
Ang mga interesadong bidders sa naturang programa ay mayroon din anyang kumpletong proyekto na kahalintulad nito sa loob ng limang taon.
Ang mananalo ay kailangang maidala ang items sa loob ng 180 calendar days ng pagbubukas ng letter of credit. Ang Pre-bid conference ay gaganapin sa March 20 sa DND.
- Latest