^

Bansa

Kapangalan ni Bistek, itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaking kapangalan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang nasawi matapos itong barilin ng dalawang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Herbert Bautista, 25, ng 50 Linotype St., 4th Estate, Brgy. San Dionisio ng naturang lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang mga kagawad ng Parañaque City Police laban sa mga suspek na nakilala sa alyas na RJ at alyas Davao.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente alas-10:50 ng gabi sa  panulukan ng Dr. A. Santos Avenue at 4th Estate ng naturang lungsod.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Delia Bautista, bago ang pamamaril ay  nagtungo pa sa kanilang bahay ang mga suspek at hinahanap ang kanyang anak. Galit na galit umano ang dalawa sa biktima sa hindi pa mabatid na dahilan at umalis  lamang nang sabihin ng ginang na wala sa bahay ang kanyang anak.

Gayunman, hindi pa nakakalayo ang mga suspek nang marinig  ng ginang ang sunu d-sunod na putok ng baril hanggang  malaman nito na binaril ang kanyang anak. Hindi pa malinaw kung ano ang posibleng motibo sa pagpaslang.

BRGY

CITY POLICE

DELIA BAUTISTA

DR. A

HERBERT BAUTISTA

LINOTYPE ST.

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

SAN DIONISIO

SANTOS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with