Napoles 'rock star status' - Miriam
MANILA, Philippines – Binanatan na rin ni Senator Miriam Defensor-Santiago ngayong Biyernes ng paggastos ng gobyerno sa itinuturong nasa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Santiago sa kanyang talumpati sa business law conference ng De La Salle University na masiyadong ginagastusan ng gobyerno si Napoles kumpara sa ibang normal na preso.
Gumagastos ang gobyerno ng P5,000 kada araw kay Napoles na nakakulong sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna samantalang P54 lamang sa isang preso.
"This person apparently enjoys rock-star status because of allegations she committed the crime of plunder in the P10B pork barrel scam."
Kaugnay na balita: Napoles susi sa katotohanan - De Lima
Aniya hindi dapat gastusan ng gobyerno ang isang taong ayaw makipagtulungan, kaya naman iminungkahi ng senadora na pagbayarin si Napoles ng kanyang kulungan.
"I humbly propose that President Aquino should save public funds by allowing detention prisoners to pay for their stay," pahayag ni Santiago sa kanyang Twitter account.
Sa pinakahuling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam ay kinuwesityon na rin ni Senador Francis Escudero si Justice Secretary Leila De Lima kung bakit hindi na lamang ito ilipat sa regular na kulungan gayung hindi rin naman ito nakukuhaan ng detalye.
"My problem here is quite simple. Lahat ng milyon o bilyon na ninakaw sa pamahalaan nasa ospital, pero yung nagnakaw ng cellphone o wallet nasa kulungan," wika ng senador.
"Ang laki ng ginagastos natin tuwing lalabas siya (Napoles) and yet we don't get anything out of it.
Iginiit ni De Lima na mahalagang tao si Napoles at may mga nalalaman siyang balang araw ay isisiwalat niya.
"Sa ngayon hindi siya nagsasalita pero mayroon kaming expectations na magsasalita na siya, huwag tayong magmadali," tugon ng kalihim kay Senador Francis Escudero. "Sayang 'yung pagkakataon kung magsasalita siya in the near future.â€
This person apparently enjoys rock-star status because of allegations she committed the crime of plunder in the P10B pork barrel scam.
— Miriam Santiago (@senmiriam) March 14, 2014
Compare: Napoles daily – P5,000; ordinary prisoner – P54 Napoles monthly – P150,000; ordinary prisoner – P1,612
— Miriam Santiago (@senmiriam) March 14, 2014
I humbly propose that President Aquino should save public funds by allowing detention prisoners to pay for their stay.
— Miriam Santiago (@senmiriam) March 14, 2014
- Latest