Walang Pinoy sa gumuhong gusali sa NY

AP File photo

MANILA, Philippines – Walang Pilipinong nadamay sa pagguho ng dalawang gusali dahil sa gas explosion sa New York City sa Amerika, ayon sa isang opisyal ng gobyerno.

Sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa kanilang Twitter account na walang Pilipino ang nasaktan sa pagguho ng dalawang gusali sa East Harlem sa Upper Manhattan base sa pagtataya ni Consul Felipe Carino.

Naganap ang gas explosion bandang alas-9 ng umaga sa oras ng New York nitong kamakalawa, 15 minuto matapos magreklamo ang isang residente na mayroong gas leak.

Tatlo katao ang nasawi sa pagsabog na ikinasira ng dalawang gusali.

Nasa 650 Pilipino ang naninirahan sa East Harlem, ayon sa embahada.

Show comments