^

Bansa

Belmonte pumirma sa Chacha ‘pledge’

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumagda na si House Speaker Feliciano Belmonte sa pledge kontra sa anumang political amendments sa isinusulong nitong Charter change o Chacha.

Ito ay bilang patunay umano na malinis ang hangarin ni Belmonte sa pagsusulong ng House resolution no.1 kung saan tanging ng economic provisions lamang ang sisingitan ng “unless otherwise provided by law.”

Ang isang pahinang Pledge to the Filipino People ay pinasimulan ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza at nilagdaan ito ni Belmonte sa huling araw ng sesyon para sa lenten break ng Kongreso.

Nakasaad dito ang pa­ngako na limitado lamang sa economic provisions ang kanilang aamyenda­han sa ginagawang Chacha at hindi idadamay ang mga probisyong pulitikal.

Itinatakda rin sa pinir­mahan ng Speaker ang pangako na handa silang masibak bilang kongresista sakaling malabag nila ang pledge.

Pumirma na rin sa naturang pledge ang pitong miyembro ng independent minority bloc samantalang mula naman sa mayorya ay sina Cebu Rep. Gwen Garcia at Belmonte.

 

BELMONTE

BUHAY

CEBU REP

CHACHA

FILIPINO PEOPLE

GWEN GARCIA

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

ITINATAKDA

LITO ATIENZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with