MANILA, Philippines - Muli na namang nakamit ng Pilipino Star NGAYON (PSN) ang “Best Filipino Newspaper of the Year†na ipinagkaloob ng Gawad TANGLAW sa kategorÂyang sining pagsusulat sa media kamakalawa ng hapon sa bulwagan ng Colegio de San Juan de Letran Calamba, Laguna.
Tinanggap nina Al PedÂroche (editor-in-chief) at Mario D. Basco (provincial editor) ang tropeo, medalya at citation mula kina Norman A. Llaguno, MA, pangulo ng Gawad Tanglaw; Teresita Bagalso, MA, tagapaÂngasiwang lupon; Jaime G. Ang, PhD, pangulong emeritus at tagapangulo at Dr. Romeo Flaviano I. Lirio, tagapagtatag at tagapangulong emeritus.
Unang nakamit ng PSN ang parangal bilang “Newspaper of the Year†noong 2013.
Bukod sa Pilipino Star NGAYON ginawaran din ng parangal ang ibang pahayagan, television at radio stations sa iba’t ibang kategorya.
Ang Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) ay paraÂngal na ipinagkakaloob sa movie artists at filmmaÂkers sa kanilang ipinakitang kagalingan sa pelikula at iba pang sining.
Ang nasabing award-winning body ay binubuo ng mga kritiko, scholars, historians, at professors sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad kung saan may Masteral o Doctorate degree ang bawa’t kasapi upang maging kapani-paniwala ang kanilang pagpili sa pagbibigay ng parangal.
Ayon kay Dr. Lirio, karamihan sa Filipino newspaper ay naging prayoridad ang pulso ng masa.