Furniture, fashion festival magsisimula bukas

MANILA, Philippines -  Sisimulan bukas ang 21st Furniture, Furnishings and Fashion Festival sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Avenue, San Juan City kung saan ilalatag ang pinakamalawak na koleksyon ng mga kalakal sa iisang bubong na tinatayang pinakamatagal na trade event sa kanyang uri sa bansa.

Gaganapin mula Marso 14 hanggang Abril 7,   itatampok sa festival ang 100-taon  paglago ng Philippine furniture – mula sa antigo at makabagong estilo, mga pamosong tao sa industriya at Filipino craftsmanship. May  1,300 exhibitors – tianggeros, importers, mall suppliers, wholesalers, retailers, manufacturers at factory owners - ay maghahandog ng mga kakaiba ngunit abot-kayang mga piraso ng furniture, fashion accessories, RTWs, jewelry, decors, leather goods, footwear, arts and crafts, household wares, pagkain  at iba pang novelty items.

Sa 25 araw na itatagal ng festival na unang inorganisa noong 1993 ng Prime Asia Trade Planners and Convention Organizers (PATEPCO) na pinamumunuan ni Henry G. Babiera, ang  class na shopping center ay pansamantalang magbibihis masa sa estilo nitong ala-Divisoria na bargain hunters haven para sa mamimili mula sa iba’t ibang larangan sa isang lugar na convenient, ligtas at kumportable.  

Samantala, pagkatapos ng kanilang pamimili, ina­anyayahan sila upang mapawi ang pagod na bisitahin ang  Las Farolas, ang state-of-the-art museo ng river monsters na may higit sa 3,000 freshwater fish varieties­ na galing sa iba’t ibang panig ng mundo. Simula noong buksan ito nung Abril 25, umabot na sa 200,000 tao  - mga estudyante, empleyado ng pamahalaan at pribado, local at foreign tourista ang nagtungo rito.

 

Show comments