^

Bansa

Pinoy cashier utas road mishap sa Saudi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang OFW ang nasawi matapos na mahagip ng isa sa dalawang sasakyan na umano’y nagkakare­rahan sa kalsada habang papasok sa kanyang trabaho sa Saudi Arabia.

Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang OFW na si Jerwin Acuzar, cashier sa isang fashion store sa Riyadh at tubong Oriental Mindoro.

Kabababa lamang sa sinakyang mini bus ni Acuzar at tumayo sa sidewalk upang mag-antabay ng tsansang makatawid sa kalsada kung saan naroon ang pinapasukang fashion store nang mabilis na araruhin ng isa sa humahagibis at nagkarerahang sasakyan.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, namatay noon din ang Pinoy.

Inaayos na ng Embahada ang repatriation sa mga labi ng OFW habang nakatakdang tumanggap ng P200,000 insurance at P20,000 burial benefits ang pamilya nito bilang isang miyembro ng Overseas Workers Welfare Adminsitration.

vuukle comment

ACUZAR

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

INAAYOS

JERWIN ACUZAR

ORIENTAL MINDORO

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINSITRATION

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with