MANILA, Philippines - Naniniwala si LingaÂyen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz na ang mabagal na sistema ng katarungan sa bansa ang dahilan ng lumalaÂlang katiwalian sa gobÂyerno.
Ayon sa Arsobispo, matapos man o hindi ng Senado ang imbestigasÂyon sa pork barrel scam, matatagalan pa rin mapanagot sa batas ang mga nagkasala o makakalimutan na ng taongbayan ang eskandalo dahil sa katagalan at usad pagong na kaso sa korte.
Nangangamba din ang Arsobispo na posible ring walang mapanagot sa mga sangkot sa pork barrel scam lalo na ang mga kilala at makapangÂyarihang opisyal ng gobÂyerno.
Bukod sa Senado, iniimbestigahan din ang pork scam ng Department of Justice at Office of the Ombudsman bago isampa ang kaso sa Sandiganbayan.
Nilinaw ni Archbishop Cruz na sakaling magkaroon ng desisyon ang Sandiganbayan sa kaso ay maaari pang umapela sa Korte Suprema ang mga papatawan ng parusa na lalong magpapatagal sa pagkamit ng hustisya.
Itinuturing din ng Arsobispo na paglustay sa pera ng bayan ang mga isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso sa mga iba’t ibang anomalya dahil wala namang pinaÂtutunguhan o nakulong sa napakaraming Senate inquiry na dapat trabaho ng DOJ, Ombudsman at Sandiganbayan.
Nauna rito, nanawagan si Cruz sa mga boÂtante na maging mapaÂnuri sa pagpili ng kandidato at huwag iboto ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian o iba pang kaso.