^

Bansa

‘Justice delayed, justice denied’ ugat ng katiwalian sa gobyerno

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si Linga­yen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz na ang mabagal na sistema­ ng katarungan sa bansa ang dahilan ng lumala­lang katiwalian sa gob­yerno.

Ayon sa Arsobispo, matapos man o hindi ng Senado ang imbestigas­yon sa pork barrel scam, matatagalan pa rin mapanagot sa batas ang mga nagkasala o makakalimutan na ng taongbayan ang eskandalo dahil sa katagalan at usad pagong na kaso sa korte.

Nangangamba din ang Arsobispo na posible ring walang mapanagot­ sa mga sangkot sa pork barrel scam lalo na ang mga kilala at makapang­yarihang opisyal ng gob­yerno.

Bukod sa Senado, iniimbestigahan din ang pork scam ng Department of Justice at Office of the Ombudsman bago isampa ang kaso sa Sandiganbayan.

Nilinaw ni Archbishop Cruz na sakaling magkaroon ng desisyon ang Sandiganbayan sa kaso ay maaari pang umapela sa Korte Suprema ang mga papatawan ng parusa na lalong magpapatagal sa pagkamit ng hustisya.

Itinuturing din ng Arsobispo na paglustay sa pera ng bayan ang mga isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso sa mga iba’t ibang anomalya dahil wala namang pina­tutunguhan o nakulong sa napakaraming Senate inquiry na dapat trabaho ng DOJ, Ombudsman at Sandiganbayan.

Nauna rito, nanawagan si Cruz sa mga bo­tante na maging mapa­nuri sa pagpili ng kandidato at huwag iboto ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian o iba pang kaso.

ARCHBISHOP CRUZ

ARSOBISPO

DAGUPAN ARCHBISHOP

DEPARTMENT OF JUSTICE

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SANDIGANBAYAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with