‘Habeas’ kay Lee aprub sa CA
MANILA, Philippines - Pinaboran ng Court of Appeals ang petition for writ of habeas corpus na isinampa ng negosyanteng si Delfin Lee, may-ari ng kontrobersiyal na Globe Asiatique na sinasabing sangkot sa multi-billion peso ghost loans sa Pag-IBIG Fund.
Batay sa desisyon ng Court of Appeals First Division, inatasan nito ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na dalhin at paharaÂpin sa appellate court si Lee ngayong alas-10 ng umaga.
Layunin ng ipinaÂlabas na writ ng CA na pagÂpaliwanagin ang mga umaresto kay Lee at ang may kustodiya sa kanya kaugnay ng legaÂlidad ng pagbilanggo sa resÂpondent.
Nabatid na sa ilalim ng Revised Rules of Court, ang “writ of habeas corpus†ay ipinalalabas ng hukuman sa mga kaso ng illegal confinement o illegal detention.
Si Lee ay nakakulong ngayon sa Pampanga jail mula sa NBI-Pampanga detention cell.
Sa inihaing petisyon ng abugado ni Lee sa Court of Appeals kahapon, hiniling nito na pakawalan na ang kontrobersyal na negosyate.
Ilegal umano ang pag-aresto kay Lee dahil iniÂutos na ng CA ang pagbawi sa warrant of arrest na ipinaÂlabas ng hukuman sa Pampanga laban sa kanya.
Noon lamang Lunes, March 10, 2014 naghain ng petition sa CA si Lee at nang i-raffle ay napunta kay Associate Justice Manuel Barrios ng CA First Division.
Samantala, walang ipinalabas na kautusan ang DILG para tanggalin sa top 5 ng most wanted high profile fugitive sa bansa si Lee.
Nilinaw ito ni Sec. Mar Roxas kaugnay ng iginigiit ng abogado ni Lee na wala ng bisa ang warrant of arest laban sa kanyang kliyente dahil tinanggal na ito sa most wanted list.
Sa katunayan ay inaprubahan pa ng DILG ang pagbibigay ng P2 milyong pabuya para sa ikabibilis ng pagkakaÂaresto kay Lee.
Sinuman ang nag-utos na alisin ang paÂngalan ni Lee sa listahan ng mga may warrant of arest ay kailangang sumailalim sa masusing imbestigasyon. (Dagdag ulat nina Joy Cantos at Ricky Tulipat)
- Latest