2 barko ng Pinas itinaboy ng Tsina
MANILA, Philippines - Dalawang barko ng Pilipinas ang pinalayas ng China sa pinag-aagawang Ayungin Shoal, ayon sa Chinese state news agency.
Iniulat ng Xinhua na kinumpirma ni Chinese Foreign Ministry spokesman Qin Gang ang pagtataboy sa dalawang barko na may lamang construction materials at nakabanderang watawat ng Pilipinas.
Sinabi ni Qin na umalis ang dalawang barko sa pinag-aagawang lupa matapos balaan ng China nitong kamakalawa.
"China has indisputable sovereignty over the Nansha Islands and their adjacent waters including the Ren'ai Reef," pahayag ni Qin.
"The moves infringed China's sovereignty and violated the spirit of the Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea," dagdag niya.
Kamakailan lamang ay naghain ng reklamo ang Pilipinas kontra China matapos ang pambobomba sa mga mangingisdang Pinoy gamit ang water canons.
- Latest