FOI bill aprub sa Senado

MANILA, Philippines – Lumusot na sa Senado ang Freedom of Information (FOI) Bill na inaasahang makakapagbigay ng linaw sa publiko sa bawat transaksyong pinapasok ng gobyerno.

Inihayag ng baguhang senador na si Grace Poe sa kanyang Twitter account na pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ang kanyang Senate Bill No. 1733 o ang People’s FOI.

Sinabi rin naman ni Senator Teofisto Guingona III sa kanyang Twitter account na naaprubahan ang FOI bill na may 21 isang boto.

Layunin ng panukalang maging bukas sa publiko ang anumang impormasyon tungkol sa gobyerno.

Show comments