^

Bansa

Binay sa mga niloko ni Lee: Kasuhan niyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binisia ni Vice President Jejomar Binay ngayong Lunes ang mga residente ng Xevera Homes sa Pamapanga, ang isa sa mga pabahay ni Delfin Lee ng Globe Asiatique.

Tiniyak ni Binay ang mga umano’y naloko ni Lee na hindi sila pababayaan ng gobyerno upang makamit ang hustisya.

Kasunod nito ay hinimok ng chairman ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) ang mga residente na magsampa ng kaso laban kay Lee na dalawang taon nagtago bago nadakip nitong nakaraang linggo.

Kaugnay na balita: Pag-aresto kay Lee, legal! - Palasyo

"Pwede ba, 'yung mga naloko. Maghabla po tayo. Parati na lamang na sinasabi na ang pamahalaan ay walang ginagawa. Wala po talagang magagawa ang pamahalaan kung hindi po tayo magrereklamo," pahayag ni Binay.

"Kayo pong mga nandito, huwag po kayong mag-aalala. Laban ho tayo. Nasa panalo po tayo. Walang dahilan para matalo po ito sapagkat pawang katotohanan lamang ho ito.”

 Nahaharap sa kasong P6.65-billion syndicated estafa si Lee matapos gumamit ng iba’t ibang pangalan para makakuha ng pautang sa Pag-IBIG.

BINAY

BINISIA

DELFIN LEE

GLOBE ASIATIQUE

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

KASUNOD

KAUGNAY

PAG

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

XEVERA HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with