Pag-arbor kay Lee sisilipin ng Palasyo

MANILA, Philippines - Paiimbestigahan ng Malacañang ang napaulat na tangkang pang-aarbor ni Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali sa nahuling si Delfin Lee, may-ari ng Globe Asiatique na sangkot sa syndicated estafa.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, aalamin nila ang katotohanan tungkol sa sinasabing pagtawag ni Umali kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima matapos mahuli si Lee.

Aminado si Coloma na sa ngayon ay sa mga ulat pa lamang sa media ang nakukuha nilang impormasyon.

Mahalaga rin aniyang makuha ang panig ni Umali upang maging patas ang gagawing imbestigasyon.

Ayon pa kay Coloma mahalagang malaman ang aktuwal na naganap na sinasabing pag-arbor para magbigay ng komento ang Palasyo.

Show comments