MANILA, Philippines - Sisikaping mabuksan muli sa publiko ang makasaysayang simbahan ng Manila Cathedral o Basilica of the Immaculate Conception na matatagpuan sa Intramuros, Maynilla sa Semana Santa.
Sinabi ni Monsignor Nestor Cerbo, rector ng nasabing simbahan, nais nilang mabuksan muli ang simbahan sa Linggo ng Palaspas o Abril 13.
“As much as possible, we want it opened by Holy Week,†aniya.
Subalit aminado ang monsignor na hindi pa nila tiyak kung makukumpleto na sa nasabing petsa ang isinagawang major repair at restoration dito dahil hindi pa ipinakikita ng project manager ang assessment.
Una nang inasahan ang pagbubukas ng simbahan noong Disyembre matapos na ianunsyo ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ngunit hindi ito natuloy.
Tinangka na rin itong buksan sa Marso 25, 2013 ngunit may nakita pa umanong ilang bahagi nito na may pinsala at kailangan pang kumpunihin.
“We cannot open it until everything has been fixed already,†dagdag ni Cerbo.
Umabot na umano sa P120 milyon ang ginagastos ng Simbahang Katoliko para sa pagpapaayos ng 50-anyos na Manila Cathedral.
Matatandaang isinarado ang Manila Cathedral noong Pebrero 2012 o mahigit dalawang taon na ang nakalilipas upang isailalim sa pagkukumpuni para na rin sa kaligtasan ng mga Katolikong nagsisimba rito.