MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ang pagsasagawa ng public hearings o survey sa publiko sa planong pagtataas ng singil sa pagkuha ng National Bureau of Investigation (NBI) clearances.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng survey forms na inisyu ng NBI kakalap ng reaksiyon, opinion at komento mula sa mga mamamayan lalo na sa direktang apektado o clearance applicants.
Nakakabit din sa survey forms na ipinamamahagi sa Holding Area ng NBI Clearance building ang layunin at pinagbataÂyan ng planong pagtataas ng singil sa NBI cleaÂrances sa Abril 1, 2014.
Nakasaad umano sa Administrative Order No. 31 na may petsang Oktubre 1, 2012 ang “direcÂting and authorizing all heads of Departments, Bureaus, Commissions, Agencies, Offices and Instrum, entalities of the National Government including Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) to rationalize the rates of their fees and charges, increase their existing rates and impose new fees and charges.â€
Mula sa dating P415 na binabayaran ng NBI clearance applicants para sa “purpose†na Naturalization, Cancelation of ACR at Repatriation, gagawin na itong P500.
Kabilang din sa itinaas ang clearance para sa Change of Name, Business license, NFA, SEC, TCB, Adoption, POEA, PRA Requirement at Permit to Carry Firearms, P200 na ang halaga ng bayad mula sa dating P165.
Para sa applicants ng clearance for Travel Abroad, Visa, Immigration Requirement, Visa Seaman, Seaman’s book, TCB for RTO, Local Employment, Custom Pass ID Enlisted AFP, DND, DOT Requirement, ID Purposes na dating P115 ay itinaas ito sa P200.
Mula umano noong Nobyembre 13, 2002 ay hindi pa nagtaas ng anumang singil ang kawanihan kaya’t sa planong ito, idinahilan ng NBI na mapapagaan na ang cashiering system, pagsusukli sa mga butal o barya at madaragdagan pa ang koleksiyon ng gobyerno na maaring gamitin sa pagpapaunlad pa ng sistema.