13th month nasusunod - DOLE
MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasusunod ng mga kumpanya ang batas sa pagpapairal ng 13th month pay.
Ang pahayag ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ay kasunod ng zero complaint on non-payment of 13th-month sa buwan ng Enero 2014 dahil na rin sa kawalan ng natatanggap na reklamo ng DOLE Call Center, na pinatatakbo ng Labor Communications Office o LCO.
Sinabi ni Baldoz na nangangahulugan ito na tumatalima na ang mga kumpanya sa 13th month pay obligation sa kanilang mga kawani.
Noong nakaraang taon, nakapagtala ng 15 reklamo ang DOLE Call Center hinggil sa hindi pagbabaÂyad ng 13th month pay ng ilang kumpanya.
Bumaba rin umano ang bilang ng mga nagtatanong kung paano kinukuwenta ang 13th month pay.
Ngayong January 2014, nakatanggap ng 6,941 tawag ang DOLE Call Center, sa nasabing bilang ay 74 porsiyento o 5,161 ang may kinalaman sa social protection and welfare issues. Habang 1,463 na tawag ang may kinalaman sa holiday pay rules para sa January 1 at 31 na deklaradong non-working holidays.
- Latest