MANILA, Philippines - Hinihikayat ni Bulacan Rep. Gavini Pancho ang mga pharmaceutical companies sa bansa na gumawa at magbenta ng special single packaging ng bakuna laban sa rabbies.
Ang panawagan ay bunsod sa umaabot na sa 600 kada taon ang namamatay dahil sa rabies at pinangangambahan pa itong lumobo kapag hindi kumilos ang gobyerno upang masolusyunan ito.
Sa ilalim ng panukala, pinahihintulutan ang Department of Health (DOH) na makipagtransaksyon sa mga pharmaceutical companies para lumikha ng rabies vaccine na ibebenta sa bawa’t pasyente sa lahat ng government hospitals.
Ito ay dahil sa kasalukuyan, ayon kay Pancho ang mga ospital ng gobyerno ay nagkakaloob ng libreng bakuna sa tatlong pasyenteng kinagat ng aso o anumang uri ng hayop.
Subalit hindi umano tamang maghintay pa ng dalawa pang makakagat na pasyente bago bigyan ng bakuna ang isang pasyente.
“The problem lies in access to the vaccine particularly with the poor people because the cost acquiring vaccination shots is extremely high even for the financial capacity of minimum wage earners,†ayon pa kay Pancho.
May hinala ang kongresista na mali ang sistema kaya’t panlima ang Pilipinas sa talaan ng World Health Organization (WHO) pagdating sa may maraming kaso ng tinatamaan ng rabies.