MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng kampo ni Senator Alan Peter Cayetano na kahit kailan ay hindi niya idedepensa si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
“Hindi po kailanman idinepensa o idedepensa ni Sen. Cayetano si dating pangulong Arroyo, sa isip man, sa salita o sa gawa,†ani Cayetano patungkol sa lumabas na ulat.
Ayon pa kay Cayetano, isa siyang kritiko ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno at isa sa mariing bumabatikos sa admiÂnistrasyong Arroyo noong siya ay congressman at maging noong naging miyembro na siya ng Senado.
“Sa katunayan, siya ang pinakamalaking kritiko ni dating First Gentleman na si Mike Arroyo dahil sa kinakasangkutan nitong mga anoÂmalya noong sila ay nasa kapangyarihan pa,†sabi naman ng kanyang chief of staff na si Atty. Shelah Mae Famador sa ipinaÂdalang statement.
Matatandaan na unang kinuwestiyon ni Cayetano si Vice President Jejomar Binay kung bakit hindi ito ngayon maging kasing-tapang sa pagbatikos sa mga nasasangkot sa katiwalian partikular sa pork barrel fund scam gayong nagpakita ito ng angas at batikos kay dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ipinagtataka ni CaÂyetano kung bakit walang sinasabi ang pangalawang pangulo na trial by publiÂcity din ang kay Ginang Arroyo tulad ng sinasabi niya ngayon sa kanyang mga kaalyado sa Senado na sangkot sa pork barrel scam.
Ang hamon ni Sen. Cayetano ay magsalita na si VP Binay na hindi niya poprotektahan ang mga kaibigan at kaalyado niya sa pulitika kung sakaling may ebidensiya laban sa mga ito.