BIR ad sa mga doctor ’di insulto – Henares

BIR Commissioner Kim Henares

MANILA, Philippines - Hindi pang-iinsulto ang pinaka bagong kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tumutumbok sa mga doctor na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa bansa.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, wala Ring balak ang ahensiya na alisin ang ad nila na nagpapakita ng isang teacher na mas nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno na may mas maliit na kita kaysa sa mga doctor na may malaking kita na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Anya, itutuloy nila ang naturang kampanya ng BIR laban sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

Sinabi nitong mga professionals naman ang sinasabi nilang marami ang hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno at hindi nila tinutumbok ang mga doktor ng bansa para dito.

“There’s a saying ‘Bato-bato sa langit, matamaan huwag magalit.’ If you’re paying the right taxes then it’s (print ad) not alluding to you. If you’re not paying the right taxes then it’s talking to you,” ani Henares.

Gayunman, sinabi ni Henares na ang nasa BIR ad na nagpapakita ng isang guro na nagbayad ng P221,694 sa buwis mula sa kanyang taunang sahod na P852,169 at ang doctor na may kinita na P1.07 milyon na nagbayad lamang ng y P7,424 sa buwis ay mula sa totoong income tax returns na naka record sa BIR.

Batay sa BIR data, may 54 percent ng 2,031 self-employed accountants, doctors at lawyers na nakarehistro sa BIR Revenue District Offices 47 hanggang 50 ay nagbayad ng kulang sa P35,000 sa buwis noong 2012 samantalang ang isang public school teacher nna may kita na P21,500 kada buwan ay nagbayad ng P35,952 buwis kada taon.

 

Show comments