8 sugatan sa pagsabog sa palengke ng Midsayap

MANILA, Philippines – Walo katao ang sugatan nang ihagis ang isang granada sa loob ng isang palengke sa baya ng Midsayap sa North Cotabato nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Senior Inspector Henry Narciso, deputy police chief ng Midsayap, na marami ang nakakita nang ihagis ng isang lalaking sakay ng motorsiklo ang isang granada sa mga puwesto ng isdaan sa loob ng naturang palengke.

May kasama pang isang lalaki sa motorsiklo ang taong naghagis ng granada, dagdag ni Narciso.

Nakilala ang mga nasugatang residente ng Midsayap na sina Kryza Jane Torrejas,13; Virginia Cablas,56; Quintin Trastisa,32; Anne Pocapotan,14; Paula Angelie Masicampo, 20; Rodrigo Cataytay Jr., 31; Bernie Cuerpo, 22; at Charles Monsanto Guhitia, 22.

Hindi pa batid ng mga imbestigador ng pulisya ang motibo sa insidente.

Show comments