MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Philippine Athmopsheric Geophysical and Astronomical Services AdminisÂtration (PAGASA) na mid-March ay malulusaw na ang hanging amihan o ang northeast monsoon.
Sa isang panayam, sinabi ni Fernando Cada, weather forecaster ng PAGASA, na maaaring umalis na ang amihan sa kalagitnaan ng buwan ng Marso ng taong ito dahil sa unti-unti nitong paghina.
Nilinawag ni Cada na bagamat andito pa sa bansa ang amihan ay maalinsangan ang panahon, ito ay dahilan sa ang hangin na nakakarating sa Pilipinas ay dumadaan sa ngayon sa Southern part ng Japan at Silangan ng Philippine sea.
Sinabi ni Cada na nasa transition period ang bansa ngayon o nasa proseso na mag-iiba na ang panahon mula sa malamig papuntang mainit na panahon.
“Kapag tuluyan nang naglaho ang amihan sa mid-March at ang hangin ay magmumula na sa Easterly o tinatawag na hanging silanganin, ang ibig sabihin nito ay tag-init na naman†pahayag ni Cada.
Noong nakaraang taon anya ay naideklara nila ang summer noong March 18, 2013.