MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Malacañang na tutulungan ng pamahalaan ang pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi sa Doha Qatar at ang dalawa pang nasugatan dahil sa nangyaring gas tank explosion sa isang restaurant.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, nakikiramay ang gobyerno sa pamilya ng mga biktima at tiyak naman na may matatanggap silang tulong sa gobyerno.
Tumutulong na aniya ang pamahalaan para maibalik sa bansa ang bangkay ng dalawang nasawi sa pagsabog.
Sa apat na Pinoy na naging biktima ng pagÂsabog, isa lamang umano ang miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration, pero bibigyan pa rin ng tulong ang tatlong hindi kasapi ng OWWA.
“Ang commitment po ng ating embassy doon ay tutulungan po ‘yung other three para naman po makakuha ng kaukulang benefits sa kanilang mga employer,†pahayag ni Valte.
Labing-dalawang tao ang nasawi sa insidente matapos magkaroon ng gas explosion sa isang Turkish restaurant sa Doha, Qatar noong Huwebes.