^

Bansa

Pamilya ng 2 Pinoy na namataysa Doha tutulungan ng pamahalaan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Malacañang na tutulungan ng pamahalaan ang pamilya ng dalawang  Pinoy na nasawi sa Doha Qatar at ang dalawa pang nasugatan dahil sa nangyaring gas tank explosion sa isang restaurant.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, nakikiramay ang gobyerno sa pamilya ng mga biktima at tiyak naman na may matatanggap silang tulong sa gobyerno.

Tumutulong na aniya ang pamahalaan para maibalik sa bansa ang bangkay ng dalawang nasawi sa pagsabog.

 Sa apat na Pinoy na naging biktima ng pag­sabog, isa lamang umano ang miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration,  pero bibigyan pa rin ng tulong ang tatlong hindi kasapi ng OWWA.

“Ang commitment po ng ating embassy doon ay tutulungan po ‘yung other three para naman po makakuha ng kaukulang benefits sa kanilang mga employer,” pahayag ni Valte.

Labing-dalawang tao ang nasawi sa insidente matapos magkaroon ng gas explosion sa isang Turkish restaurant sa Doha, Qatar noong Huwebes.

ABIGAIL VALTE

AYON

DOHA

DOHA QATAR

HUWEBES

LABING

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with