^

Bansa

DOLE sa mga OFW: Umiwas sa sakit na avian flu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga Overseas Filipino Workers na umiwas na malantad sa posibleng pinanggagalingan ng sakit na avian flu matapos ang ulat na nahawaan at  namatay sa nasabing sakit ang isang 75-anyos na OFW sa Hong Kong.

Sinabi ni Baldoz, ang pinakamainam na paraan para hindi mahawa ng sakit ay umiwas sa mga hayop na tinamaan ng impeksyon ng avian flu o bird flu.

Paalala ng kalihim, dapat ay umiwas muna ang mga OFW sa pagtungo sa mga poultry, slaughterhouses, animal market at tiyaking maayos na naluto ang karne o meat products kasama na ang itlog.

Para naman sa mga OFW na ang hanapbuhay ay may kinalaman sa poultry work o di kaya ay tumutugon sa avian flu outbreak, pinapayuhan na sumunod sa mga inirekomendang bio-security and infection control practices. Kabilang dito ang paggamit ng tamang personal protective equipment gaya ng surgical masks at panatilihing malinis ang mga kamay.

Pinapayuhan din ni Baldoz ang mga OFW na umiwas muna sa pakikipagclose contact kasama na ang paghalik, pagyakap, paghihiraman ng mga kubyertos o baso lalu na sa mga taong maysakit.

Para naman sa mga nagpapakita na ng sintomas ng H7N9 virus gaya ng lagnat, ubo at hirap na paghi­nga, makabubuting kaagad na silang magpasuri sa doktor at sakaling nakatakda na silang umuwi, mas mainam kung ipagpapaliban muna nila ang pagbalik sa Pilipinas hanggang sila ay payagan ng doktor na makapagbiyahe.

BALDOZ

HONG KONG

KABILANG

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PAALALA

PILIPINAS

PINAPAYUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with