MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang siyam na kilo ng kemikal na gamit sa paggawa ng bomba sa operasyon sa terminal ng bus sa Sindangan, Zamboanga del Norte.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9 dakong alas-7:30 ng uÂmaga ng makatanggap ng impormasyon ang SindaÂngan Police Station hinggl sa pagbibiyahe ng isang pasaherong babae ng mga sangkap sa paggawa ng bomba.
Ang nasabat na 9 kilo ng kemikal ay idineklara umanong harina na ibiniyahe ng naturang pasahero sa Rural Transit Bus na galing Dipolog City na patungong Ipil, Zamboanga Sibugay.
Gayunman pagsapit sa Dohinob Roxas, Zamboangaa del Norte, hiniling ng nasabing pasahero na dalhin ang bagahe sa bus terminal sa bayan ng Ipil kung saan nagbayad pa ito ng P20.00 para pamasahe at binigyan ng instruksyon ang driver ng bus na ipiÂpick-up ng isang lalaki ang bagahe sa bus terminal sa nasabing bayan.
Ang nasabing babae ay nagmamadali umanong bumaba sa bus, bago pa man dumating ang mga operatiba ng pulisya para mag-inspeksyon.
Agad namang kinumÂpiska ng mga awtoridad ang nasabing mga bagahe na natukoy na nitrate na gamit sa paggawa ng eksplosibo.