MANILA, Philippines - Matapos mapaulat na hindi naman seryoso ang medikal na kondisyon ng itinuturong utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles, iginiit kahapon ni Senator Francis “Chiz†Escudero na dapat na itong ilagay sa ordinaryong kulungan.
Ayon kay Escudero, maaari naman hilingin ng Department of Justice sa Makati Regional Trial court na may hawak ng kasong serious illegal detention ni Napoles na ilipat na ito sa ordinaryong kulungan mula sa kanyang piitan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
“Korte ang nag-utos na doon siya idetine…Well DOJ, ang piskalya, sana hilingin sa korte na ilagay siya sa ordinaryong piitan dahil wala naman talagang pangamba at wala naman talagang threat sa kanyang seguridad,†sabi ni Escudero.
Sinabi ni Escudero na ang alam niya ay magsasalita si Napoles tungkol sa pork barrel fund scam kaya ito inilagay sa Fort Sto. Domingo at inihiwalay sa mga ordinaryong preso.
Dahil wala naman umanong maalala si Napoles, walang rason para bigyan ito ng special treatment.
“Alam mo hanggang ngayon ang panawagan ko at hiling ko dapat ilagay na sa ordinaryong kulungan si Napoles. Ang pagkakaunawa ko kaya siya nilagay at tinago do’n dahil magsasalita siya laban sa mga makapangyarihang tao sa gobyerno, eh hindi naman pala siya magsasalita at wala naman pala siyang naaalala, eh di sinong mananakit sa kanya, anong rason para pangalagaan nang ganyan ang kanyang seguridad,†ani Escudero.
Idinagdag ni Escudero na hindi malinaw kung bakit dapat payagan si Napoles na ikulong sa Fort Sto. Domingo kung saan mayroon itong saÂriling pasilidad.
Aminado si Escudero na gobyerno pa rin ang gumagastos maging sa hospital expenses ni Napoles dahil dinala ito sa ospital ng gobyerno.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), gumagastos ang gobÂyerno ng P120,000 tuwing ibinibyahe si Napoles sa Maynila mula sa kanyang selda sa Laguna, bukod pa ito sa P3,000 medical expenses niya.
Kahapon ng umaga ay sumailalim sa medical check-up sa PNP General Hospital sa Camp Crame si Napoles kaugnay ng bukol nito sa matris.
Ayon kay Chief Supt. Alejandro Advincula, director ng PNP Health Service na ang bukol o cyst sa obaryo o kanang matris ni Napoles na nakita noong Oktubre 2013 ay hindi na gaanong makita sa ultrasound na kanilang isinagawa kahapon.
“Yung nakita na 3-centimeters na bukol, yung 3cm na minimention ng 2013 again ruled out na po yun kasi this time iba ang nakita, bukol sa uterus,†pahayag ni Advincula.
Sabi pa ng opisyal na ng sumailalim si Napoles sa ‘transvaginal ultrasound’ ay wala naman silang nakitang pagdurugo tulad ng idinadaing nito.
Kabilang sa mga test na ginawa kay Napoles ay ultrasound, transvaginal ultrasound, blood test at pap smear.