^

Bansa

Chiz suportado ang protesta ng PHL vs China

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang naging hakbang ng gobyerno kontra sa pambobomba ng water cannon sa mga mangingisdang Pinoy sa pinag-aagawang Panatag Shoal nitong nakaraang buwan.

Sinabi ni Escudero na tama ang paghahain ng protesta ng Pilipinas upang mapakita sa mundo na hindi basta-basta magpapa-api ang bansa sa mga makapangyarihang nasyon.

“That is within their rights in the same manner that we are also fighting for our sovereignty over the disputed islands,” paliwanag ni Escudero.

Kaugnay na balita: China pagpapaliwanagin ng PHL sa water cannon incdent

“But the government did the right thing on two points: First, it did not take the incident lightly and secondly, the issue was brought to the proper forum, through the diplomatic channels,” dagdag niya.

Aniya tama ang ginawang hakbang ni Pangulong Benigno Aquino na humingi ng suporta mula sa international court.

“The government should pressure China to follow and conform with the international practices,” banggit ng senador.

Sa huli ay ayaw din ni Escudero na mauwi sa giyera ang girian ng dalawang bansa.

 â€œWell arbitration, negotiation, ang gusto natin arbitration, ang gusto nila negotiation, ang gusto natin multilateral, ang gusto nila bilateral, at least nag-uusap at hindi nagbabarilan.”

ANIYA

CHIZ

IKINATUWA

KAUGNAY

PANATAG SHOAL

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINAS

PINOY

SENADOR FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with