MANILA, Philippines - Sa loob ng halos 11 buwan ng kanyang pag-ooperate, umabot na sa 200,000 ang bumisita sa Las Farolas – ang pinakabagong tourist at educational destination sa Metro Manila.
Ang malaking bahagi ng numerong ito ay kinabibilangan ng mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa Metro-Manila at lalawigan gayun din ng mga lokal at banyagang turists.
Ang Las Farolas museo ng river monsters, na pinasinayaan nung Abril noong isang taon, ay may higit na 3,000 species ng mga naglalakihan at malahalimaw na freshwater fish species na nakatira sa sa 2 hubs na kanilang “sanctuary.†Ang species ay bahagi ng higit sa 12,000 exotic collection ni Henry G. Babiera mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Matatagpuan sa Frontera Verde Drive katabi ng Tiendesitas sa Ortigas Avenue, Pasig City, ang Las Farolas ay isang multi-million enterprise na konsepto nina Don Rafael Ortigas at Moment Philippines Theme Park Planner and Management Corporation na pinangungunahan ni Babiera. Ito ay una at bukod tanging uri sa mundo na nagpapakita ng 100% freshwater aquatic wildlife. Habang ang pusod ng kanyang misyon ay ipakita ang freshwater exotic fishes, Ang Las Farolas ay masugid na advocate ng environmental protection at conservation, lalung lalo na kung ito ay may kinalaman sa nanganganib na freshwater aquatic species, at magsisilbing plataporma para sa mga gawaing pag-aaral at pananaliksik sa pamamagitan ng interactive classroom para ibahagi ang kaalaman sa aquatic life at sustainable means kung saan malalabanan ng tao ang kanilang paglaho.
Bahagi ng layunin ng Las Farolas na maging aktibo sa mga pagsisikap upang mapangalagaan ang kalikasan sa pakikipagtulungan sa pamahalaan tulad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, NGOs at iba pang international environmental advocacy groups.
Para sa dagdag na kaalaman, tumawag sa 5717635-36 o bisitahin ang websitewww.lasfarolas.com