^

Bansa

Extension ng TRO sa power hike pinuri

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umani ng papuri mula kay dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas ang pagpapalawig ng Korte Suprema sa temporary restraining order (TRO) na nagpapatigil sa dagdag singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Arenas, kapuri-puri ang ginawang pagkilos ng Korte Suprema dahil kapakanan ng mga mamamayan ang apektado kapag hinayaan ang nasabing pagtaas.

Kasabay nito, iginiit ng dating mambabatas na may kapangyarihan ang pamahalaan na bawiin ang prangkisa ng power distributor kung kailangan.

Ayon kay Arenas, kapag nabigo ang Meralco na matugunan ang mga kondisyon ng nasabing prangkisa ay maaari itong bawiin ng pamahalaan anumang oras. “Kapag nakita ng pamahalaan na nakokompromiso na ang interes ng publiko ay maaari itong kumilos para bawiin ang prangkisa na ipinagkaloob sa Meralco at sa kahit sino pang power producer,” wika ni Arenas.

Bukas din si Arenas sa panukala na i-takeover ng pamahalaan ang operasyon ng Meralco at iba pang power plants kung matutuloy ang bantang malawakang brownout.

“Kung maaapektuhan nang husto ang takbo ng pamumuhay, negosyo at ekonomiya ng bansa at naaayon sa ating batas, puwede naman sigurong patakbuhin muna ng pamahalaan ang operasyon ng Meralco,” ani Arenas.

ARENAS

AYON

BUKAS

DISTRICT REP

KAPAG

KASABAY

KORTE SUPREMA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

RACHEL ARENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with