MANILA, Philippines - Pinagre-resign sa puwesto ni Sen. Ramon “Bong†Revilla Jr. si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas dahil sa dami umano ng atraso nito.
Ayon kay Revilla, hindi na siya dapat gamitin pa ni Roxas sa kanyang pagbangon at hindi niya kailangan ang awa nito.
“Sa dami ng atraso niya, dapat mag-resign na siya. Huwag na niya akong gamitin para bumangon sa lugmok niyang kalagayan…I don’t need his pity. If at all, ako nga naaawa sa kanya,†sabi ni Revilla.
Sinabi pa ni Revilla na saksi ang buong bansa, kundi ang buong mundo sa mga kapalpakan ni Roxas.
Giit ng senador na gumagawa lamang ng paraan si Roxas para lituhin ang taumbayan at maibaling ang atensiyon sa ibang isyu.
Halos lahat anya ng mga departamentong hawakan ni Roxas ay nagkakaroon ng malaking problema.
“Kung mapapansin ninyo, ang mga hinawakan at hinahawakan na trabaho at Departamento ni Sec. Mar Roxas ay ang mga nagkaroon ng malalaking problema. He was proven to be ineffective in crisis management and disaster response in Yolanda. Kaya nga hindi na siya masikmura ng mga tao doon,†sabi ni Revilla.
Dahil sa palpak na paghawak umano ni Roxas sa Department of Transportation and Communication, hanggang ngayon ay may problema sa vehicle registration, issuance ng license plates, issuance ng drivers’ licenses, paglaganap ng mga colorum na sasakÂyan, at palpak na serbisyo sa LRT at MRT.
Ipinaalala rin ni Revilla ang Atimonan Massacre na hanggang ngayon umano ay wala pang resolusyon.