MANILA, Philippines - Pinagbibitiw na lamang ni Pangulong Aquino ang mga opisyal ng gobyerno na hindi makatugon sa kanilang trabaho.
Sinabi ng Pangulo sa ambush interview kahapon sa Cebu City sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power revolution, kung hindi makakaya ng mga opisyal na ito ang kanilang trabaho ay mas mabuting mag-resign na lamang sila sa kanilang puwesto.
Ayon sa Pangulo, nagÂtuturuan ang mga opisyal kaugnay sa pagkuwestyon nito sa status ng proyekto hinggil sa pagbabalik ng kuryente sa maraming lugar na naapektuhan ng bagyong Pablo, Santi at Yolanda.
Magugunita na kamakalawa ay nagbanta na rin si Pangulong Aquino sa ilang opisyal na nagtuturuan hinggil sa mabagal na pagbabalik ng kuryente sa Cateel, Davao Oriental na huwag nilang sagarin ang kanyang pasensiya.
Huwag ninyo akong subukan,†wika ng PaÂngulo sa kanyang mensahe sa pagbisita nito sa Cateel, Davao Oriental kamakalawa kaugnay sa natuklasan niyang maraming barangay pa rin ang walang kuryente matapos na salantain sila ng bagyong Pablo noong 2011.
Partikular na tinukoy ni PNoy ang pagtuturuan ng Department of Budget and Management, Department of Energy (DoE) at National Electrification Administration (NEA) tungkol sa status ng electrification project sa Cateel.
Itinuturo ng NEA na nagsumite na sila ng request sa Department of Budget and Management subalit iginiit ng DBM na wala naman silang natatanggap na request.