^

Bansa

Overprice sa rice importation pinaiimbestigahan ni JV

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Senator JV Ejercito sa Senado ang nangyayaring overprice sa importasyon ng bigas sa bansa.

Ayon kay Ejercito, maliwanag na nasisira ang presyo ng bigas at dapat malaman kung may kumikita kahit pa sabihing “government to government” ang nangyaya­ring importasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Vietnam.

Sinabi ni Ejercito na maraming dapat sagutin ang National Food Authority (NFA)  lalo pa’t una ng sinabi ng ahensiya na hindi na kailangan pang mag import ng bigas.

Pinuna ni Ejercito na simula ng 2010,  kung kailan pumasok ang kasalukuyang administrasyon, mas dumami pa ang private importers ng bigas..

Mahalaga aniyang masagot ni NFA administrator Orlan Calayag kung bakit dumami ang mga pribadong nag-i-import ng bigas.

Mas mahirap aniyang ma-detect kung smuggled ang bigas kung pribado ang importers nito.

 

AYON

BIGAS

EJERCITO

MAHALAGA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

ORLAN CALAYAG

PILIPINAS

PINAIIMBESTIGAHAN

PINUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with