^

Bansa

Minimum fare sa jeep, P8 pa rin - LTFRB

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator at driver ng pampasaherong jeep na maaaring maparusahan ang sinumang magtataas ng pamasahe nang walang pahintulot ng ahensya.

Sinabi ni LTFRB chairman Atty. Winston Ginez na sa Marso 7 pa diringgin ang ikaapat na petisyon ng iba’t ibang transport groups na nagsusulong na itaas sa P10 ang minimum fare mula P8.

Bukod dito ay hiniling pa ng mga grupong, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Pangkahalatang Sangguniang Metro Manila and Suburb Association (PASANG-MASDA), Alliance of Transport Operations and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), and the Liga ng mga Tsuper at Operator sa Pilipinas, Inc. (LTOP) ang P.05 provisional increase.

“Transport groups cannot simply adjust the fares whenever they want; there must be a proper forum to discuss their appeal,” wika ni Ginez.

Sinabi ng LTFRB na kailangang mapatunayan ng mga grupo kung kinakailangan na ba talagang magtaas ng pamasahe.

“Masusing pinag-aaralan ng Board sa pakikipag-ugnayan sa iba pang government agencies bago kami magdesisyon kung kailangan nga bang payagan ang mga transport groups na i-adjust ang pamasahe,” banggit ng LTFRB chairman.

“While we are concerned with the PUJ drivers’ and operators’ plight, we need to carefully study if the fare increase is justified; we are requesting the transport groups to present studies and projections showing possible losses as a result of the factors they mentioned in their petition, and other relevant documents that could prove the fare increase adjustment can be granted by the Board,” dagdag niya.

Inanyayahang dumalo sa pagdinig ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Economic and Development Authority (NEDA) upang malaman kung ano ang epekto ng pagtataas ng pamasahe sa bansa.

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

BUKOD

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGKAHALATANG SANGGUNIANG METRO MANILA AND SUBURB ASSOCIATION

SINABI

WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with