MANILA, Philippines - Maglulunsad ng maÂlawakang kilos protesta ang lahat ng petitioner laban sa kontrobersyal na cybercrime law sa mismong selebrasyon ng Edsa People Power sa Martes.
Gagawin ang pagkilos sa Edsa Shrine simula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi na kapapalooban ng candle lighting sa gabi.
Ayon kay Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, bilang isa sa mga petitioner, ang hakbang ay bilang pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema na constitutional ang online libel na nakapaloob sa Cybercrime Law.
Sabi ni Ridon, ang naÂging desisyon ng Korte ay bagsak sa kanilang panlasa at marami umanong butas na dapat ay isailalim pa sa masusing pag-aaral at konsultasyon.
Bunga nito, nakatakdang maghain ang grupo ng motion for reconsiÂderation na layunin na pigilan at tuluyang ibasura ang Cybercrime Law.
Idedeklara rin ng grupo ang araw ng Martes bilang “Black Tuesday†simula alas-12 ng hatinggabi.