MANILA, Philippines - Lalu pang pagagandahin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Ito ang tiniyak ni dating Presidente na ngayo’y Mayor ng Maynila na si Joseph Estrada na sa loob ng maikling pamumuno ay napasimulan na ang pagpapaganda sa naturang unibersidad.
“Alam ng lahat na matatalino at magagaling ang mga nagsisipagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at pawang maipagmamalaki ng bansa ang mga iskolar ng bayan na mula sa nasabing institusyon,†wika ni Mayor Estrada.
Dahil dito sinabi ng alkalde na bilang paraÂngal sa kanila ay lalu pang pagagandahin ang nasabing unibersidad sa pangunguna ng katatalaga lamang na presidente nito na si Justice Artemio G. Toquero bilang handog at gisingin ang “sense of pride†ng mga alumni ng PLM.
Tunay ngang maipagmamalaki ng mga nagsipagtapos sa PLM ang kanilang Alma Mater, isa na ngayon sa pinakamagagandang mukha ng gusali ang PLM sa Intramuros na “inspired†ng Spanish architecture.
Ang PLM ay isang libÂreng unibersidad sa loob ng Intramuros, Maynila. Ito ay pinopondohan ng Manila City Hall. Na-establish ang nasabing institusyon noong Hunyo 19, 1965 at nagbukas noong Hulyo 17, 1967 na may simulang 556 na mga iskolar na mga estudyante. Nasa mahigit 2,000 na ngayon ang pumapasang magiging iskolar sa PLM na salang-sala mula sa 40,000 na college applications mula sa iba’t-ibang parte ng bansa.
Ang ubod ng gandang façade at lobby ng PLM ay idinesenyo ni Architect Rafael D.B. Tecson, samantalang pinangunahan naman ang construction nito ni Engr. Robert R. Bernardo, ang Manila City Engineer.
Sa bilis na 55 araw lamang ay tinapos ang PLM building façade at lobby, tamang-tama sa pagbisita naman ni San Francisco, USA Mayor Edwin M. Lee at ng kanyang delegasyon na ang unang dinalaw sa bansa noong Pebrero 19, 2014 ay ang bagong-bagong building façade at lobby ng PLM. Si Lee at ang kanyang delegasyon ay nasa bansa upang i-renew ang sisterhood ties sa pagitan ng San Francisco at Siyudad ng Maynila.
Ang PLM ang kauna-unahang institusyon sa bansa na nagbigay ng libreng matrikula para sa mga nais mag-kolehiyo. Ang PLM din ang kauna-unahang unibersidad sa bansa na pinondohan ng isang city government. Ito din ang unang unibersidad sa bansa na ang opisyal na pangalan ay nasa wikang Filipino.