^

Bansa

Enrile, Honasan wala sa listahan ng EDSA 1 anniv.

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala sa listahan ng mga dadalo sa pagdiriwang ng EDSA People Power 1 sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Senator Gregorio Honasan.

Kinumpirma kahapon ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na hindi niya nakita ang pangalan nina Enrile at Honasan sa “short briefer” na ipinadala ng Edsa People Power Commission kung saan nakasulat ang mga perso­nalidad na dadalo sa pagdiriwang.

Ayon kay Valte, sa mga personalidad na nanguna sa People Power 1 tanging ang pangalan lamang ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang kanyang nakita.

Si Ramos umano ang nakatakdang mag-alay ng bulaklak sa Libingan ng mga Bayani.

Naniniwala si Valte na hindi makakaapekto sa diwa ng EDSA ang pagkakadiin ng ilang key players sa P10 bilyong pork barrel scam katulad nina Honasan at Enrile.

Sinabi ni Valte na ang EDSA ay para sa mga tao at hindi ito maaapektuhan ng mga problemang kinakaharap ngayon ng mga personalidad na nanguna sa tahimik na rebolusyon na nagpatalsik sa dating diktador.

ABIGAIL VALTE

EDSA PEOPLE POWER COMMISSION

ENRILE

HONASAN

PANGULONG FIDEL V

PEOPLE POWER

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SENATOR GREGORIO HONASAN

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with